Ang Mga Pilipino
by: Sanka Moon
by: Sanka Moon
Ang mga Pilipino ay Makabayan
Sila ay mabait at maaasahan
Ang mga Pilipino ay mapagkakatiwalaan
Kaya kayong ibang lahi, sila’y tularan
Masipag at matiyaga ang mga Pilipino.
Hindi sila agad-agad susuko sa anumang bagyo
Ang mga Pilipino ay nagtatagumpay, sa anumang
Pagsubok sa kanilang buhay.
Mga Pilipino’y espesyal, nilikha ng Diyos na Maykapal,
Kabutihang asal at kagandahang loob ang syang dangal
Kahanga-hangang talento ay ating itanghal
Upang sa susunod na henerasyon, galing ng bawat Pilipino ang siyang iiral.